
Actually matagal ko ng alam at na-realize na mas mahina ako pagdating sa libog kaysa sa pag-ibig... mas madalas, mauuna muna ang sex bago ko sya mahalin. minsan nga, sex na lang. kahit gusto ko ang lalaki, inuunahan ko na ang sarili ko na wag na syang gustuhin pa dahil alam ko na sa sarili ko na hindi ako ang tipo ng lalaking pinapangarap NILA para maging boyfriend o makasama habangbuhay. Ewan ko kung inunahan ko na agad husgahan ang sarili ko o ang kapalaran pero basta... yun ang nararamdaman ko eh.
Pero syempre, sa dami ng nakakasex ko sa past (hindi na ngayon ok? walang aangal!)... meron naman sa kanila na gusto ko... as in gustong gusto... to the point na mahala ko na (YATA). Pero, ang tendency, (most of the time), pipigilan ko ang sarili ko na i-pursue ang feelings ko sa isang tao o lalaki dahil sa ... ummm... ano ba? sa takot? sa kaba? umm, sa ano nga ba?
magulong intindihin (kung gusto mo pang intindihin) pero sa ngayon, sa sobrang busy ko, mas ok na muna sa akin ang sarap... sarap sa sex.... oo... yun na lang muna...KAHIT ANIM NA TAON na akong SINGLE! PUCHA! ano ba!!!!
Sa klase ng work ko (tv network and events), palagi na lang NILAng sinasabi na mahirap akong maging bf kasi nakakatakot... hellow!!! eh ako nga ang natatakot. kesyo kasi raw baka ipagpalit ko raw sila sa mga talents o artista o models na nakakasama ko sa ibat ibang proyekto o events. havent you heard or learned the word trust? do you even know the deep meaning of the word? me? nasa proseso pa lang siguro ng pagtuklas ng tunay na kahulagan ng TRUST o TIWALA... kasi hindi ko ikakailang nagkamali na ako minsan (o madalas) ... magaling nga lang akong magtago (o maaaring alam na nila, hindi lang sila nagsasalita)... masyado pang halata na i am so desperate to have someone special na ulit? i mean, someone na mamahalin at mamahalin ako? corny pero totoo... sa corny ka kinikilig madalas, at lahat ng corny, totoo... tama o mali? umamin ka na... wala namang makakaalam... kahit ako.
yes, i have a bad reputation... mang-aagaw, tumitikim ng bf ng iba,.... ahas... inggitero kaya tinitikman ang bf ng kaibigan... etc.... but dont i deserve a second chance? (wait, second nga ba o third chance? ) hahahaha... oh well, basta give me a chance naman sana... marunong naman akong magbago... lalo na sa edad ko ngayon... i am 32 already... (so magbabago pa ba ang isang 32 y/o guy?) hahahaha. whatever. sa mga nakakaintindi sa akin, salamat... sa mga sinusubukan akong intindihin o basahin ang blog ko para makilala at maintindihan ako, salamat din at sa mga hindi pa rin makaintindi... salamat pa rin... u will (i hope) understand me siguro in time. (hindi naman sa humihingi ako ng simpatya o pag-intindi mula sa iba).
sabi nga ng mga close friends ko, parang nakasulat na sa mukha at pagkatao ko ang SEX at LIBOG... honestly, i take it as a compliment. hahaha. kesa naman i-take ko sya negatively... eh di nagka-wrinkles pako at pumangit. just kidding. smile lang ng smile. deadma sa mga naninira o gumagawa ng tsismis sakin... (thank God, nagsawa na "sila").
Anyway, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ako nakapag-blog ulit... o kung anong pinanggagalingan ko at bigla kong binuhay ang blog kong ito... basta masarap lang kasi ang feeling na nakakapag share ulit ako ng mga samut saring bagay na nasa utak ko.... sayang naman kasi... matagal ng naimbak sa baul ang katalinuhan ko.... (kasi alam ko, mas matalino ako kesa sa alam ko ngayon)... hehehe.
sa mga makakabasa, salamat. sa mga nagbabalak magbasa, go ahead. wala namang mawawala sayo. di naman kita titikman (unless gusto mo at tumaas ang career at gamitin ako)... basta magkalinawan lang tayo sa umpisa pa lang. ALAM MO NA YAN!
o sya, punta muna ako sa presinto... dun na lang ako magpapaliwanag... atleast documented.
babooo!!!!!