Tuesday, May 31, 2011

ARTIST ba talaga ako o UMAARTE lang?





Yan ang ilan sa mga designs ko... painting... graphics etc. ang ilan, nailagay na sa kahabaan ng edsa... sa guadalupe... sa tabloid, sa dyaryo, sa telebisyon, sa glossies at sa kung saan-saan pa... mahirap ngunit masaya ang pakiramdam kapag natapos mo na at nakuha mo na ang gusto mong makitang output ng ginagawa mong ART. lalo na kapag nakakarinig ka ng mga papuri at paghanga. Pero alam ko sa sarili ko, bilang isang artist (oo, i am claiming na artist ako! bilang yun naman ang course ko sa up diliman noh!).... na marami pa akong gustong gawin at i-design lalo na sa puso ko.... lahat kasi nasa utak ko eh... umapaw na so inilagay ko naman sa puso ko di ba! .... ang tanong... kelan ako magkakapanahon para ibahagi sa lahat ang mga pwede ko pang gawin.... o kailangan pa ba? gusto nyo ba? ... bahala kayo, basta ako, gusto ko pang i-share sa inyo! (MAY ANGAL?) hahahaha!

Kainis nga lang kasi di ko ma-download ang mga recorded songs ko... oo!!! kumakanta ako! ... sa special occasions, sa kasal, sa debut, sa kwarto, sa banyo... kahit saan... basta may pagkakataon at basta may mikroponong buhay man o patay! (gets?) at sa burol, minsan. inaamin ko.... magulo lang talaga kasi sa dami ng alam ko at ng pwede at kaya kong gawin, hindi ko na alam kung saan ko ifo-focus ang sarili ko!

ano? magsusulat na ba ako ulit for tv? ng pelikula? ng episode sa mmk? ng telenovela? ng anime? o ng stage play? magda-dub pa ba ako ulit?

buti na lang may blog... dito ko na lang ibubuhos ang lahat... sana nga lang may magtyagang magbasa ng mga blog ko bilang nag-uumpisa pa lang naman ako ulit.

hayaan nyo, hanapin ko sa baul yung mga videos / copies ng tvc o commercials na nilabasan ko, videos sa tv, sa movies, clips na kasama ako at nilabasan ako (scandals? naku, madami!)... este... nilabasan ko pala. hehehe

Abangan....

2 comments:

Karlie Bradshaw said...

malamang libog lang yan mark! hihi aliw ko sa post mo... so bakla! hehe follow my blog too ha...

mark_cutie said...

Karlie! Leeeerve it!