Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga nagawa ko ng proyekto bilang isang magiting na manunulat / translator / voice talent o dubber at dubbing director sa bakuran ng ABS-CBN at Hero TV sa loob ng ummm... mga halos 15 years. Hindi ko na maalala yung iba sa sobrang tagal na o dahil talagang matanda na lang talaga ako... Minsan, kapag napapanood ko ang kahit ano man sa mga ito... sa tv o sa internet... sumasaya ako... Sabagay hindi naman ako tatagal sa industriyang ito kung hindi ko minahal ang pinasok kong trabaho... napakahirap... madali lang panoorin... nandyan ang puyat, ang late, ang mawalan ka ng boses, ang makalimutan mo kung anong boses ang ginamit mo sa isang character, ang away-bati... at kung anu-ano pa!
Dito ko mas napaigting ang kaalaman ko sa pagsusulat... lalo na sa Paloma at Rubi... naaalala ko pa... sa twing magsusulat nako noon ng Rubi o Paloma... maliligo muna ako... ihahanda ang yosi, inumin, pagkain at papel sa tabi ng laptop o desktop at mag-uumpisa ng magsulat... excited ako palagi.... to the point na umiiyak ako sa bawat eksena... challenging kasi eh... ang sarap kasing sabunutan ng ilang mahuhusay na character lalo na si Rubi... kaya naman masasabi kong nabigyan ko ng justice ang mga linya nila sa Tagalog. haaaay... ang sarap magbalik-tanaw sa nakaraan...
Salamat din sa napakahabang dubbing ng Naruto... nabuhay ako. hahahaha! OO, ako si ikatlong hokage, Kiba, Gamabunta at kung sino sino pang halimaw at karakter sa konoha... isa rin akong anbu. (oooh, kala nyo di ko alam yan ha!)
Yung ibang proyektong hindi ko naisama rito... ayos lang... andito naman lahat sa puso ko... lalo na ang LAHAAAAT ng mga taong nasa likod ng paglikha ng mga dekalidad na telenovela... koreanovela at anime sa mahal kong istasyon. Miss ko na kayo!

No comments:
Post a Comment